RICHMAE BLOG “Paulit-ulit na Sugat ng Bayan”
May mga bagay talaga sa Pilipinas na parang sirang plaka paulit-ulit na lang. Isa na rito ang pangungurakot. Tuwing may bagong administrasyon, laging may kasunod na balita ng katiwalian. Nakakapagod, nakakainis, pero higit sa lahat, nakakalungkot . Ang pangungurakot ay hindi lang simpleng pagnanakaw. Ito ay isang uri ng pagtatraydor sa tiwala ng taumbayan. Isipin mo, pera ng mga ordinaryong Pilipino ang ginagamit sa mga proyekto, pero minsan, sa bulsa lang ng iilan napupunta. Kaya kahit ilang beses tayong mangarap ng maayos na daan, ospital, o eskwelahan, madalas napuputol dahil may mga taong inuuna ang sariling interes. Nakakalungkot din na tila nasasanay na ang ilan. Maririnig mo pa minsan, “Eh ganyan naman talaga sa gobyerno.” Pero kung palagi tayong ganyan mag-isip, wala talagang magbabago. Kapag tinanggap na natin na normal ang pangungurakot, parang pinapayagan na rin nating apihin ang sarili nating bayan. Ang ugat ng lahat ng ito ay ...